Showbiz News

Excerpts from Jackie's Bukod Kang Pinagpala Live Chat

Saktong-sakto nga naman para sa nalalapit na Mother's Day ang 'Bukod kang Pinagpala Live Chat' kung saan masipag na sinagot nila Jennica Garcia at Jackie Rice ang mga tanong mula sa mga chatters galing sa ibat-ibang panig ng mundo.
 
Balikan ang mga tanong na sinagot  ni Jackie tungkol sa pag-ganap sa kani-kanilang mga Mother roles bilang si Janet at si Ofelia sa kanilang hit Afternoon Prime soap na 'Bukod Kang Pinagpala'.
 
lynmay : pa fansign po sa inyo plss.. lynmay decastro po ! thanks po loveyou :)
jackierice : nagawa ko na po thanks (; nakita nyo ba
 
SophiaVerdeflor : Sure po.. Favorite ko talaga ang Bubble Gang!
jackierice : thank u po
 
mayann_abriol;)) : Ate Jackie paano po kayo nagsimula sa Showbusiness ?? Follow ko po ung steps niyo ;))
jackierice : hahaha starstruck po ako sumali
 
bleedinglove12 : Pareho kayong gumawa na ng comedy at drama projects, kung papipiliin kayo anong mas gusto ninyo...drama or comedy? Ano ang mas mahirap gawin?
jackierice : mas mahirap comedy kasi hnd mo alam kung matatawa sila sayo. sa drama naman may music kasi so madadala viewers
 
jaysonbantot : sana ma extend pa ung Bukod kang pinagpala sarap kc panoorin Idol ko po kc kau !!!
jackierice : sana pero may finale script na po kami so :) tapos na sya maganda po ang ending dapat panuorin
 
AndreaBlessDobla : kanino poh vha talaga mapupunta si lara ???
jackierice : dapat sakin
 
bleedinglove12 : Ano ang dapat naming abangan sa mga characters ninyo sa mga susunod na episodes?
jackierice : si janet ipaglalaban ang anak hangang huli, ano ang kaya kong gawin para sa anak. si bessie naman sabik sa anak so hangang kelan itatago ang katotohanan si ofelia naman umikot mundo kay lara pero ang katotohanan ay tinago nya ito kay leandro
 
bleedinglove12 : May twitter at facebook po ba kayo?
jackierice : instagram po @imjackierice
 
jaysonbantot : Ms. Jackie Uzta po
jackierice : ok naman po ako (;
 
jaysonbantot : Ms. Jackie Uzta po
jackierice : ok naman po ako (;
 
bleedinglove12 : wala bang competition na nangyayari sa set?
jackierice : wala naman kami work lang happy kami basta work walang kompitesyon
 
jaysonbantot : ganda po na bukod kang pinagpala sarap po panoorin ganda po scene nyu hhehe
jackierice : talaga? hehehe thank you
 
jaysonbantot : Ms.jackie Rice idol po kita & Crush hehehe.....sana ma meet kita ^^
jackierice : hehehe thank you sana nga :)
 
SophiaVerdeflor : Meron pa po ba kayong next project after ng Bukod Kang Pinagpala?
jackierice : wala pa po pero may bubblegang ako sana watch ka parin <3
 
bleedinglove12 : Nakakarelate ba kayo sa mga roles ninyo sa Bukod Kang Pinagpala?
jackierice : hnd kasi d ako masama at wala pa akong baby
 
bleedinglove12 : What't your most memorable experience with your mom?
jackierice : marami mom ko un e (: mamaya andito sya... hnd na kami magkasama kasi nasa olongapo sya ako dito
 
mayann_abriol;)) : Hi Ate Jackie , nakita na po kita sa personal last April 28 .. Grabeee ang ganda niyo po ..Hope to see you again .. Godbless , Goodluck and more shows to come ..
jackierice : talaga wow april 27 bday ko un <3 saan yan hehehe thank you
 
SophiaVerdeflor : Ano po ang mangyayari sa Bukod Kang Pinagpala? Kanino po kaya mapupunta si Lara?
jackierice : sana saakin maputa anak kong si lara gusto ko makabawi
 
jaysonbantot : hi po ms jakie
jackierice : hello po
 
jaysonbantot : hi po ms jakie
jackierice : hello po
 
jaysonbantot : hi po ms. jennica
jackierice : (;
 
mayann_abriol;)) : Paano mo maitatago si Cindy kung maraming tao ang interesadong hanapin siya ?? at handa raw c Leandrong maubos ang pera nya basta makuha at mahanap mula sa yo c Cindy ..
jackierice : kung sila handa gawin lahat mas lalo ang ina :)
 
jaysonbantot : hi po
jackierice : hello (;
 
SophiaVerdeflor : Kumusta po ang role niyo sa Bukod Kang Pinagpala?
jackierice : masaya kakaibang experience happy at maganda feedback saakin at samin lahat
 
AndreaBlessDobla : Hello Poh ...
jackierice : hi po
 
mayann_abriol;)) : Anong nararamdaman mo ngayong nakuha mo na ang loob at mismong si Cindy ?
jackierice : gusto ko sakin mapunta si lara
 
SophiaVerdeflor : Kung hindi po kaya kayo naging artista, ano po kaya sa tingin niyo ang hanapbuhay niyo o ginagawa niyo ngayon ??
jackierice : vet siguro mahilig ako sa hayop (:
 
SophiaVerdeflor : Kanino po kaya mapupunta si Lara ??
jackierice : dapat saakin #janet
 
bleedinglove12 : hi ladies, paano kayo napapayag na gumanap ng mother role? Hindi ba kayo nahirapan sa characters ninyo? Thanks!
jackierice : mahirap pero tulungan kami mga kapwa artista tapos magaling din si direk kaya happy gumagaan lahat :)
 
Para sa full webisode ng chat na ito, huwag kalilimutan mag log-on sa www.GMANetwork.com sa mga darating na lingo.