TV

Girl Next Room: 'Richy Rich,' abangan sa GTV

By EJ Chua

Ilang araw na lang at mapapanood na ang pinakabagong istorya ng Thai romantic comedy television series na Girl Next Room sa GTV.

Ito ay ang “Richy Rich,” ang ikatlong series ng Girl Next Room na pagbibidahan ng Thai stars na sina Mild Lapassalan Jiravechsoontornkul at Off Jumpol Adulkittiporn.

Si Mild Lapassalan Jiravechsoontornkul ay mapapanood bilang si Duchess, ang mayaman na estudyanteng ang number one goal ay ang mapansin siya ng mga tao sa kanyang paligid.

Si Off Jumpol Adulkittiporn naman ay gaganap bilang si Krathing, ang makulit na estudyanteng alam ang katotohanan tungkol sa dating buhay ni Duchess.

Siguradong muling kikiligin at matututo ang mga manonood sa pinakabagong istorya ng isa sa apat na babae na mayroong iba't ibang love story na naninirahan sa isang all-women dormitory.

Sabay-sabay nating subaybayan ang kuwento nina Duchess at Krathing sa ikatlong istorya ng Girl Next Room na pinamagatang “Richy Rich,” malapit na sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: