TV

Anna Fegi, paano nga ba naging miyembro noon ng OPM band na Smokey Mountain?

By Jimboy Napoles

Isa ka ba sa mga napahanga ng OPM band na Smokey Mountain noon kasama ang isa sa mga miyembro nito na si Anna Fegi?

Sa isang episode ng "Bawal Judgemental" sa Eat Bulaga, tampok ang mga OPM singers. Ibinahagi ni Anna kung paano siya nadiskubre ni National Artist for music na si Ryan Cayabyab upang maging bahagi ng Smokey Mountain.

Ayon kay Anna, dalawang beses daw siya nag-audition upang maging miyembro ng banda at ang unang audition niya ay naganap mismo sa concert ng banda sa Cebu noon.

Aniya, "Noong nag-concert ang Smokey Mountain sa Cebu, nag-hold sila ng audition so kasama silang mga members, si Tito Ryan, tapos nag-audition ako first time pero at that time they don't need a new member, so siguro gimmick lang nila 'yun to gather youth para manood sila sa concert."

Hindi pa raw siya opisyal na natanggap sa una niyang salang, pero matapos daw ang dalawang taon ay muli siyang tinawagan upang muling mag-audition.

Kuwento niya, "Then two years after they were looking for new members so nagpa-audition ulit and they called me doon ko nakita si Kuya Luke [Mijares].

"Nakuha kaming dalawa, kaso babae ang hinanap kaya ako ang nakuha."

Dagdag pa ni Anna, "I was very fortunate na nasali po ako sa grupo ng Smokey Mountain third batch, ako lang yung pangatlong batch."

Panoorin ang buong kuwento ni Anna sa video na ITO:

Ang Smokey Mountain ay ang banda sa likod ng mga sikat na OPM songs tulad ng "Paraiso," "Kailan," "Da Coconut Nut," at marami pang iba.

Abangan ang iba pang inspirational at real-life stories sa "Bawal Judgemental" sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m. at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.