TV

JC Tiuseco, hindi naiilang sa mga eksena with Ayen Munji-Laurel


Inamin ng Kapuso actor na si JC Tiuseco na wala siyang nararamdamang ilang tuwing kaeksena ang Maghihintay Pa Rin co-star niyang si Ayen Munji-Laurel. He plays the role of Ricky, ang "boy toy" ni Mrs. De Villa, played by Ayen. In an interview during the Afternoon Prime series' press conference, the First Sole Survivor of Survivor Philippines talked about his role and how he is continuously learning in becoming a better actor on the set.

"Okay naman! Funny kasi natatawa kami before the scene, pero kapag nasa scene na, wala namang ilangan," sagot ni JC nang kinamusta namin ang mga eksena nila ni Ayen.

Hindi din naman daw siya nahirapan sa bagong role na ibinigay sa kanya. "Sinabi naman ni Direk [Don Michael Perez] sa akin na he will guide me through it kasi medyo iba nga 'yung role ko dito, tapos it's my first time to do this."

As for the kontrabida side of his character, this is how JC would describe it. "Super fun at challenging kasi out of all the shows that I have done, ito 'yung umpisa pa lang bad boy na agad ako. 'Yung mga dati, like sa Sisid, kontrabida role pero sa simula good boy, parang best friend. Dito, umpisa pa lang talagang pinapahirapan ko na sila, pinapalayas ko na sila."

Paano naman niya pinaghandaan ang role na medyo bago sa kanya?

"'Yung mga peg ko na lang na mga naiisip ko dati, mga napanood ko na. Tapos siyempre kapag nagte-take na kami, sinasabihan naman ako ni Direk Don kung kailangan na mas galit pa ko, mas tough pa 'yung itsura ko, mas seryoso. Sinasabihan naman niya ako kung kulang," he shares.

Panoorin si JC Tiuseco as Ricky sa Maghihintay Pa Rin, pagkatapos ng Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw, sa GMA Afternoon Prime. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com