TV

Me Always You: Who is Abigail's new workmate?

By EJ Chua

Sa katatapos lang na episode ng Me Always You, hindi pa rin makapaniwala si Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Hindi kasi inaasahan ni Abigail na magiging komplikado ang kaniyang buhay dahil sa bago niyang katrabaho.

Gulat na gulat ang dalaga sa kaniyang nakita nang ipakilala na sa buong team ang bago nilang editor-in-chief.

Unang binanggit ng kanilang boss na galing pa sa London ang lalaking bago nilang katrabaho, siya ay si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) ang first love ni Abigail.

Paano kaya makakakilos ng maayos ang dalaga ngayong mas malapit na sa kanya ang taong gusto niyang pagtaguan?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa 'Me Always You,' mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes 2: 45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito: