TV

Me Always You: Abigail wants to avoid Kevin

By EJ Chua

Sa latest episode ng Me Always You, isang bagay ang hihilingin ni Abigail sa kaniyang boss.

Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, tila naging komplikado at naging magulo ang mundo ni Abigail.

Matapos kasing ipakilala si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) bilang isa sa kaniyang magiging amo sa trabaho, hindi na mapakali ang dalaga.

Kaya naman agad siyang lumapit sa isa sa kanilang mga officer upang humiling na sana ay payagan siyang makalipat sa ibang department.

Matapos ang kanilang pag-uusap, hindi pa rin ito nakumbinsi ni Abigail.

Panoorin kung gaano ka-desperada si Abigail na makalipat ng ibang opisina sa episode na ito:

Abby is desperate!

Paano niya kaya tatanggapin ang katotohanan na muli na niyang kasama ang kaniyang first love?

Ano na kaya ang susunod na plano ni Abigail upang makaiwas kay Kevin?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa 'Me Always You,' mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes 2:45 p.m. sa GTV.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito:

Panoorin ang Me Always You at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.