TV

Me Always You: Abigail trespasses on Kevin's place

By EJ Chua

Sa latest episode ng Me Always You, isang hindi inaasahang eksena ang mangyayari sa pagitan nina Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) at ng kanyang boss na si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri).

Habang pauwi si Abigail, napansin niyang tila nakalimutan niya ang kaniyang cellphone sa lugar ni Kevin.

Kaya naman nagmadali siyang bumalik dito ngunit napagtanto niyang mayroon nga palang passcode ang pintuan ng tinitirhan ng kaniyang boss.

Habang sinusubukan niyang hulaan ang mga numero upang makapasok, unti-unting inalala ni Abigail ang ilang mahahalagang petsa para kay Kevin.

Kasunod nito ay ilang numero ang kaniyang sinubukan ngunit tila mali ang kaniyang mga unang akala.

Matapos niyang maalala ang petsa tungkol sa isa sa childhood moments nila ni Kevin, nabuksan na niya ang pintuan nito.

Ngunit habang nasa loob na si Abigail, nahuli siya ni Kevin at dahil sa labis na pagkagulat ay nabasag pa nito ang isang mahalagang bagay para sa binata.

Ano kaya ang nasa isip ni Kevin nang makita niya si Ms. Purchasing na nakapasok sa kaniyang bahay?

Makakalusot kaya si Abigail sa mga katanungan ni Kevin?

Panoorin dito kung paano nahuli ni Kevin si Ms. Purchasing sa loob ng kaniyang bahay:

Ms. Purchasing gets caught

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes 2: 45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng Me Always You sa gallery na ito: