TV

Me Always You: Myra will finally get to know Joshua

By EJ Chua

Sa pinakabagong episode ng Me Always You, tila itinadhanang magkatagpo muli sina Myra (Malinee Adelaide Coates) at Joshua (Nat Kitcharit).

Sina Myra at Joshua ay parehas na kaibigan ni Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh).

Isang gabi, hindi inaasahan ng dalawa na magkikita silang muli nang sabay silang bumili ng custard cake sa isang mini stall na matatagpuan sa isang parke.

Kahit hindi naging maganda at maayos ang una nilang pagkikita, mukhang nakabawi na sila sa isa't isa sa ikalawang pagkakataon na sila ay nagkatagpo.

Tila naging komportable na sila sa isa't isa at napag-usapan pa nila ang kani-kanilang mga ginagawa sa buhay.

Habang nagkukwentuhan, kapansin-pansin na humahanga si Myra sa mga salitang narinig niya mula sa binata.

Panoorin sa video na ito kung paano nagkatagpo muli sina Myra at Joshua:

The enemies meet again

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Abigail kapag nalaman niyang magkakilala pala ang dalawang taong malapit sa kaniyang puso?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2: 45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng Me Always You sa gallery na ito: