TV

Me Always You: Joshua vs Kevin

By EJ Chua

Sa katatapos lang na episode ng Me Always You, tila hindi na napigilan ni Joshua (Nat Kitcharit) ang inis na nararamdaman niya sa boss nila na si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri).

Dahil sa pagpapabaya ni Kevin kay Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh), kung anu-ano na ang sinabi ni Joshua sa kanilang boss.

Sinubukan niyang kumbinsehin ito na humingi ng tawad kay Abigail at pabalikin ito sa trabaho.

Ngunit dahil ramdam ni Joshua na tila nagkakagusto ang kaniyang boss sa dalaga, inamin na rin niya rito ang tunay na nararamdaman niya para kay Abigail.

Panoorin sa video na ito kung paano kinumpronta ni Joshua ang kanilang boss:

Joshua calls out his boss!

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng Me Always You sa gallery na ito: