TV

One More Try: My Husband's Lover The Concert, mamayang gabi na!

My Husband’s Lover sa One More Try: My Husband's Lover The Concert.

Sa panguguna nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo, gaganapin ang pinakaaabangang musical event ng taon sa Araneta Coliseum ngayong October 12, 2013 at 7:30 p.m.

Muling balikan ang mga emosyong nadama nina Lally, Vincent at Eric sa kanilang love triangle. Namnamin ang pakiramdam ng pag-ibig, ang pagkahulog at muling pagbagon, at higit sa lahat, ang pagtatagumpay ng tunay na pag-ibig.

Ito ay isang selebrasyon, kung saan ang mga tagahanga, masugid na tagasubaybay at ang buong cast ay magsasama-sama para sa isang hindi malilimutang live concert.

Bukod sa production numbers ng tatlong bida, kaabang-abang rin ang duet nina Roi Vinzon at Kuh Ledesma, na gumaganap bilang ang mag-asawang Armando at Ellaine Soriano sa teleserye.

Kakanta ang cast kasabay ng isang live orchestra, na pinamumunuan ni Mon Faustino bilang Musical Director, habang ang mga dance numbers ay binuo sa pamumuno ni Paul Morales ng Ballet Philippines.

Ang pinaka kaabang-abang ay ang “shocker” surpise sa dulo ng concert, na sinasabing hindi daw maaaring ipakita sa telebisyon. Siguradong magiging kontrobersyal ang grand finale na ito.

Ang ibang cast members na sina Glydel Mercado, Keempee de Leon, Kevin Santos, Bettina Carlos, Victor Basa, Karel Marquez, Pancho Magno, Rodjun Cruz at si Ms. Chanda Romero ay magkakaroon din ng mga espesyal na production numbers.

Makakasama rin ang special guests na sina Kyla, Gloc 9, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia at si Mr. Joey de Leon sa isang espesyal na partisipasyon.

Makisaya kasama sina Lally, Vincent at Eric one more time sa One More Try: My Husband’s Lover The Concert, October 12 sa Araneta Coliseum. Magkita-kita tayo, mga Kapuso!

Para sa tickets, mag log-on lang sa www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-55-55.