TV

Behind Your Smile: Ivan and Jessa, from strangers to lovers na nga ba?

By EJ Chua

Sa pagpapatuloy ng istorya ng Taiwanese drama na Behind Your Smile, mas lumalalim na ang pagtingin ni Ivan kay Jessa.

Sa katunayan, tila sanay na si Ivan na laging nahahagip ng kaniyang paningin ang dalaga.

Isang umaga habang may malalim na iniisip ang binata, isang good mood voucher ang inihanda ni Jessa upang sumaya na ito.

Kapansin-pansin din na nako-comfort si Ivan sa mga salitang hindi niya inaasahang maririnig niya mula kay Jessa.

Pagkatapos magbreakfast nang magkasama, inangkas ni Ivan ang dalaga sa bisikleta nito at ang sumunod ay mas nakakakilig pang mga eksena.

Habang nakaangkas, nag-explain pa si Jessa sa kaniyang boss tungkol sa nakita nito noon na magkahawak sila ng kamay ni Ryan.

Hindi tumigil sa pagsasalita ang dalaga hangga't hindi naipapaliwanag ng maayos kay Ivan ang tunay na dahilan sa nasaksihan nito noon.

May pag-asa nga bang maging magkasintahan sina Ivan at Jessa?

Ano na kaya ang mas matimbang sa puso ni Ivan? Ang pagtingin niya kay Jessa o ang plano pa ring paghihiganti sa pamilya nito?

Abangan ang mga kasagutan sa mas kapana-panabik na kuwento ng paghihiganti at pag-ibig sa Behind Your Smile, mapapanood tuwing Lunes at Huwebes, 2:45 p.m., at tuwing Martes, Miyerkules at Biyernes, 5:00 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: