TV

Behind Your Smile: Ang close na magkapatid noon, umiibig sa iisang dalaga?

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagtatapos ng Taiwanese drama na Behind Your Smile, unti-unti nang nakakahalata si Jessa sa kakaibang ikinikilos nina Ivan at Ryan.

Habang si Ivan ay pilit na pinipigilan ang tunay na nararamdaman niya para kay Jessa, si Ryan naman ay nagnanais na mas mapalapit pa sa dalaga.

Kaya naman isang araw, gumawa ng paraan si Ryan upang mas pagkatiwalaan siya ni Jessa kaysa sa kaniyang kapatid.

Dahil sa kagustuhang makapaghiganti sa nanay ni Jessa, tila mas matimbang ang galit sa puso ni Ivan kaysa sa pagtingin sa dalaga.

Ngunit habang tumatagal, kapansin-pansin na iisa ng naisin ang magkapatid, ang mailigtas si Jessa sa anumang kapahamakan na nag-aabang.

Sino kaya ang pipiliin ni Jessa, si Ivan na kaniyang boss o si Ryan na itinuturing niyang matalik na kaibigan?

Kailan kaya malalaman ni Jessa ang tunay na motibo ni Ivan sa kaniya?

Abangan ang mga kasagutan sa mas kapana-panabik na kuwento ng paghihiganti at pag-ibig sa Behind Your Smile, mapapanood tuwing Lunes at Huwebes, 2:45 p.m., at tuwing Martes, Miyerkules at Biyernes, 5:00 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: