TV

Behind Your Smile: Jessa knows the truth!

By EJ Chua

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Taiwanese drama na Behind Your Smile, sunud-sunod na mga sikreto na ang nabubunyag.

Isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig ni Jessa na seryosong nag-uusap sina Ivan, Ryan, at ang kanilang ina.

Malungkot na binalikan ng mama ni Ivan kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ng kaniyang asawa nang dahil sa kaniyang sakit.

Inalala rin ni Ivan na wala siyang nagawa noon upang mailigtas ang ama, kumita ng pera, at maisalba ang kanilang farm.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, sumingit si Ivan at pinagdiinan nito na hindi sila dapat magsisihan sa nangyari sa kanilang pamilya.

Binanggit din niya na ang in ani Jessa na si Lily Lim ang may kasalanan kung bakit naging magulo ang kanilang relasyon sa isa't isa at kung bakit namatay ang kanilang ama.

Siya rin umano ang dahilan kung bakit nalugi ang kanilang negosyo at tulungang naghirap ang kanilang buhay.

Ang lahat ng ito ay narinig ni Jessa at tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nalaman.

Ano kaya ang gagawin ni Jessa upang maitama ang nagawa ng kaniyang ina sa pamilya ni Ivan?

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Behind Your Smile, mapapanood tuwing Lunes at Huwebes, 2:45 p.m., at tuwing Martes, Miyerkules at Biyernes, 5:00 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: