TV

Behind Your Smile: Ivan reveals everything about himself | Last 1 day

By EJ Chua

Isang tulog na lang at magwawakas na ang Taiwanese drama series na Behind Your Smile.

Sa pagtatapos nito, lahat ng kailangang malaman ni Jessa ay ilalahad na ni Ivan sa pamamagitan ng isang napakahabang mensahe.

Ilan sa mga binanggit ng binata sa ipinadala niyang liham ay ang tungkol sa mga tunay na koneksyon niya sa mga taong malapit kay Jessa.

Pati na rin ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama, pagkalugi ng kanilang farm, pag-iimbestiga sa mga taong nagpahirap sa kanilang pamilya, at higit sa lahat, inamin ni Ivan ang tunay na nararamdaman niya para kay Jessa.

Kung noong una ay puro pagpapanggap lang ang lahat ng kaniyang ginagawa, ngayon ay mas nananaig na ang mga katotohanan.

Napuno man ng galit at paghihiganti ang kaniyang puso, inamin niyang mula nang dumating si Jessa sa kaniyang buhay ay nagkaroon ng tunay na kahulugan ang kaniyang mga ngiti.

Panoorin dito ang emosyonal na pag-amin ni Ivan ng kaniyang nararamdaman para kay Jessa:

Mas mananaig kaya ang nararamdaman ni Jessa para kay Ivan kaysa sa pagsisinungaling nito sa kaniya sa mahabang panahon?

Abangan ang mga huling eksena sa Behind Your Smile, mapapanood bukas, Biyernes, 5:00 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: