TV

Love at relationship, mga butil ng talino mula kay Tata Lino



May problema ka ba sa iyong boyfriend o girlfriend? Palagi ba kayong nag-aaway ni Misis?

Lahat ‘yan at marami pang iba, kayang hanapan ng solusyon ni Tata Lino.

 
Sa mga babae na minsan masungit, minsan sweet
“Ang babae, parang Czechoslovakia. Mahirap nang ispelingin, mahirap pa ang salita.”
 
Sa chat mate na puro side view ang kinukuhang picture
“Kung totoong maganda ang mukha mo, wala ka nang pinipiling anggulo. Ang hirap kayang mag-‘I love you’, kailangan mo pang sumide view.”
 
Sa pagkakaroon ng girlfriend at ng magandang ka-office mate
“Wala namang relasyong mapuputol, kung sa tukso, hindi ka papatol. Kaya matuto(ng) mag-control at wag tumikim ng iba’t ibang sample.”
 
Sa crush na bigla na lang hindi nagparamdam
“Pag ang crush mo, di ka agad nire-reply-an, malamang sa malamang, may love life na ‘yan.”
 
Sa hindi seloso na boyfriend
“’Di porke’t di nagseselos eh di ka na mahal. Pwedeng malaki lang ang tiwala niya sa yo o takot lang siya(ng) magpakasal.”
 
Sa galit ni Misis kahit siya ang palaging mali
“Madalas, kahit di mo kasalanan, kailangan mo(ng) mag-sorry, matapos lang ang usapan”
 
Sa mga babaeng mahilig sa lalaki
“Ang babaeng mabait, napupunta sa langit. Ang di mababait, napupunta sa pangit.”

- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com