GMA Logo Ryan Eigenmann
Courtesy: ryaneigemann421 (IG)
What's on TV

Ryan Eigenmann, mapapanood sa top-rating afternoon drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published April 11, 2023 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Eigenmann


Abangan si Ryan Eigenmann sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Isang bagong guest ang mapapanood sa patuloy na nagte-trending at top-rating na GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Papasok na rin sa serye ang aktor na si Ryan Eigenmann na kadalasang napapanood sa ilang teleserye bilang kontrabida.

Sa susunod na episodes ng serye, makikilala ang aktor bilang isang holdaper.

Makakatagpo ng kanyang karakter sina Lyneth at Cromwell, ang mga role na ginagampanan nina Carmina Villarroel at Ariel Villasanta sa programa.

atatandaang napanood sa kaparehas na serye kamakailan lang ang pinsan ni Ryan na si Gabby Eigenmann.

Samantala, ilan pa sa napanood bilang guest actors sa serye ay ang Bubble Gang stars na sina Betong Sumaya at Arny Ross, Sparkle star na si Max Collins, Legaspi siblings na sina Mavy at Cassy, Pekto, at marami pang iba.

Napapanood bilang bida sa naturang afternoon series ang mga aktres na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:

Ano kaya ang buong istorya ng karakter ni Ryan Eigenmann sa hit series?

Makakatagpo niya kaya ang pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos?

Abangan ang mga kasagutan sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: