
Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na mapapanood ngayong Biyernes, June 16, 2023, mas mararamdaman ni Moira (Pinky Amador) na isa na siyang talunan.
Matutunghayan kung paano ipagdidiinan ni Lyneth (Carmina Villarroel) kay Moira na unti-unti nang bumabaliktad ang kanyang mundo ngayong sinisimulan na niyang maghiganti rito.
Mula sa pagiging biktima ng mga kalokohan at kasamaan ni Moira, naging mas palaban na si Lyneth.
Kaabang-abang ang mangyayari kay Moira habang nasa harap siya ng maraming tao.
Hindi rin dapat palampasin ang linya ni Lyneth kay Moira na, “Inhale, kahit 'wag ka na mag-exhale.”
Mapapanood din ang ilang eksena nina Doc Lyndon (Ken Chan) at ng anak ni Lyneth na si Doc Analyn (Jillian Ward).
Sa previous episodes ng serye, natunghayan na unti-unti nang nagbabago ang buhay ni Lyneth matapos siyang mag desisyon na makipag kampihan sa pamilya ni Doc RJ (Richard Yap).
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:
Abangan ang susunod pang mangyayari sa buhay nina Lyneth at Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: