
Paganda nang paganda ang istorya ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa katatapos lang na episode ng serye, natunghayan na naging magkakampi sa volleyball sina Analyn (Jillian Ward) at Zoey (Kazel Kinouchi).
Habang ongoing ang game, kitang-kita ng mga taong nanonood ang husay ni Analyn sa paglalaro.
Habang mainit ang laro ay sinita ni Analyn si Zoey at sinabing sundin lamang nito ang sinasabi ng kanilang team captain na si Dra. Katie (Che Cosio).
Lahat ng mga nanonood sa kanila habang naglalaro ay humahanga kay Analyn.
Dahil dito, muli na namang nairita si Zoey at dahil sa pagkainggit nito sa batang doktor, gumawa siya ng paraan para makaganti kahit wala namang ginagawang masama sa kanya si Analyn.
Nang mapunta kay Zoey ang bola, sinadya niyang patamaan sa ulo si Analyn.
Matapos nito, nawalan ng malay si Analyn at agad naman siyang dinala ni Doc Carlos (Allen Dizon) sa clinic.
Nahinto ang kanilang paglalaro at kasunod nito ay pinagalitan na ni Doc RJ (Richard Yap) si Zoey dahil alam niyang hindi aksidente ang nangyari.
Nang matapos na niyang sermonan si Zoey, kinumusta naman ni Doc RJ ang batang doktor.
Gulat na gulat at halos maluha si Analyn dahil tila nagkaroon na ng pakialam sa kanya ang kanyang tunay na ama.
Panoorin ang eksenang ito:
Tuluy-tuloy na kaya ang mabuting pagtrato ni Doc RJ kay Analyn?
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: