
Trending ngayon sa social media ang video ng Sparkle stars at Abot-Kamay Na Pangarap actors na sina Jillian Ward at Ken Chan.
Sa latest video na ibinahagi ni Jillian sa video-sharing application na TikTok, mapapanood ang kulitan moments nila ni Ken.
Habang hawak ang script, bigla na lamang sumayaw ang lead actress sa tabi ng aktor.
Kasunod nito, game na game na ring nakisali si Ken habang nagti-TikTok si Jillian.
Sa kasalukuyan, humakot na ng mahigit 3.4 million views ang naturang video.
Ang viewers at fans nila sa serye, hindi napigilang mag-react sa nakakakilig nilang mga eksena sa viral na TikTok video.
Narito ang ilang sa kanilang mga reaksyon at komento:
@jillianwxrd @Ken Chan ♬ Chinito - Yeng Constantino
Samantala, kasalukuyang napapanood sina Jillian at Ken sa GMA's top-rating afternoon drama na Abot-Kamay Na Pangarap bilang sina Doc Analyn at Doc Lyndon.
Bukod kay Doc Lyndon, ilan pa sa leading men ni Jillian sa serye ay sina Jeff Moses, Raheel Bhyria, at Michael Sager.
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: