TV

Jillian Ward, may napili na kaya sa kanyang leading men sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'?

By Gabby Reyes Libarios

Sino ba talaga kina Reagan (Jeff Moses), Harry (Raheel Bhyria), Mico (Michael Sager), at Doc Lyndon (Ken Chan) ang napipisil ni Jillian Ward para kay Doc Analyn Santos, ang kanyang karakter sa hit afternoon series na 'Abot-Kamay Na Pangarap"?

"Sabi na, e, itatanong n'yo 'yan, e!" ang natatawang sagot ni Jillian Ward nang tanungin siya ng GMANetork.com ilang minuto bago siya sumampa sa stage para mag-perform sa Tanglawan Festival 2023, ang 23rd cityhood anniversary celebration ng San Jose del Monte, Bulacan na ginanap noong Biyernes, September 1

"Hala, well... hala hindi ko alam. Iba-iba po kasi sila, e. At saka ngayon po, kumpara sa mga interviews sa akin a few months ago, mas naging ka-close ko na silang lahat, mas nakilala ko na silang lahat. So... ang hirap!

"Kayo na lang po ang mag-comment down below kung kanino kayo boto," pabirong hirit ni Jillian.

"Kasi ako po talaga, kapag nakaka-eksena ko po sila, iba-iba po yung feeling ko kada kung sino yung nakaka-eksena ko, kunwari si Reagan, o si Doc Lyndon, o si Harry, o si Mico, ganyan. Kumbaga iba-iba po yung nararamdaman ko kada nakaka-eksena ko sila. Makikita n'yo na lang sa aking mga mata hahahaha."


Dahil nakatutuwa ang pag-iwas niya, ibinato namin muli ang katanungan sa dalaga pero kakaiba na ang laman nito: "Kung totoong tao ang mga karakter ng leading men ni Doc Analyn, kanino ka, Jillian Ward, most likely ma-a-attract?"

"Hala!" sagot ni Jillian, sabay takip ng kanyang bibig. "Well, meron, meron po sa kanila! Pero hindi ko sasabihin, ayoko po talaga. Dahil unang-una sa lahat.... basta! Nahihiya po ako sabihin. Abangan n'yo na lang po yan. Basta kung kanino na lang po ako napapangiti siguro."

Kitang-kita naman sa mga mukha ng dalaga na masaya siya na makabisita muli sa Bulacan. Hindi ito ang first time na mag-perform si Jillian sa naturang lugar, kaya alam niya kung gaano ka-lively ang audience na sasalubong sa kanya.

"Yes, first time ko po [magpe-perform] sa Tanglawan Festival, pero sa Bulacan hindi, dahil nakapag-perform na po ako dito last February. Ang masasabi ko po, sobrang saya po ng audience dito. Isa po sa best crowd na napaghandugan ko po ng performance."

Isa rin sa kinatutuwa ni Jillian ay dahil sa tuwing lumalabas siya para magperform lalo na sa malalayong lugar, hindi na lang "Jillian" ang tawag sa kanya ng tao. Minsan, "Doc Analyn" na rin ang pangalan na kanyang naririnig.

"Actually, mixed na po. Tingin ko, sa mga lola at sa mga bata na rin, more on 'Doktora Analyn' na po talaga sila. Nakakatuwa nga po kasi minsan po talaga mas marami na tumatawag sa akin bilang Doktora Analyn."

Dumadagundong na hiyawan at palakpakan ang ibinigay ng mga taga-San Jose Del Monte kay Jillian Ward nang lumabas ito sa entablado para mag-perform ng ilang hits ni Beyonce.

Bukod kay Jillian, nag-perform rin sa opening number ng Tanglawan Festival sina Paul Salas, Darren Espanto, at AC Bonifacio. Kasama rin sa mga nag-entertain ng crowd si JM Bales at ang host for the night na si Robi Domingo.

Hindi rin nagpahuli ang ilang lokal na talento ng Bulacan dahil may dance groups rin ang nagpakita ng kanilang galing sa pagsayaw mapa-modern or cultural dance number pa 'yan.

Mayroon ring fashion show na naganap, kung saan rumampa ang ilan sa mga kilalang ramp models ngayon tulad nina beauty queen Gabrielle Basiano, Joshua De Sequera, Santino Rosales, Asia Doesnt at Austin Cabatana.

Nasilayan ng mga Bulakenyo ang mga magagarbo at nagagandahang mga likha nina jewelry designer Arnel Papa at fashion designers Viña Romero at Francis Libiran.

"I was so amazed with this year's Tanglawan Festival 2023," pahayag ni Richard Hiñola, ang PR extraordinaire na kilala rin bilang "awards guru" sa industriya. "Pang world-class ang event nila. The fashion show was also superb! Pati performers and models, ang gagaling, lalo na sina Jillian Ward at Paul Salas, na talaga namang tinitilian ng mga tao."

Jillian Ward with Richard Hiñola

BAKIT NGA BA LOVE NA LOVE NG VIEWERS, BATA MAN O MATANDA, SI JILLIAN WARD BILANG DOC ANALYN? NARITO ANG ILANG DAHILAN: