TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' cast may napili na sa first batch ng online auditionees

By EJ Chua

Kamakailan lang, inanunsyo ng GMA's top-rating drama series Abot-Kamay Na Pangarap ang "Abot-Kamay Na Auditions."

Sa naturang online audition, nagpasa ang ilang TikTok content creators at netizens ng kanilang mga entry, kung saan tampok ang ilang scenes sa serye na kanilang ni-re-enact o kaya naman ay ginawan ng pasabog na gimik.

Ang mapipili rito ay automatic na mapapabilang sa cast ng nangungunang afternoon drama series.

Matapos ang mahigit isang buwan, mayroon nang napiling winners mula sa first batch ng audition ang Abot-Kamay Na Pangarap cast na makakasama nila sa set.

Sa isang video, mapapanood na magkakasamang nag-react sina Doc Analyn (Jillian Ward), Doc RJ (Richard Yap), Moira (Pinky Amador), at iba pa, sa entries na kanilang natanggap mula sa audition.

Labis na naaliw ang cast sa videos na kanilang napanood.

Gusto mo rin bang maging parte ng serye?

Maaari ka pang magpasa ng entry para naman sa second batch ng online audition.

Panoorin ang video sa ibaba para sa mechanics:

@gmanetwork DAHIL ISANG TAON NA ANG ABOT-KAMAY NA PANGARAP, ABOT-KAMAY NA RIN ANG AUDITIONS! 🤩😜 Sali na sa #AbotKamayNaAuditions! Paano? Panoorin ang video na ito! #AbotKamayNaPangarap ♬ original sound - GMA Network

Excited na kaming mapanood ang iyong entry, Kapuso!

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.