GMA Logo Kazel Kinouchi Pinky Amador Leo Martinez Jillian Ward
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira at Zoey, hawak si Lolo Pepe

By EJ Chua
Published November 24, 2023 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi Pinky Amador Leo Martinez Jillian Ward


Ano kaya ang plano nina Moira at Zoey kay Lolo Pepe? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

May panibago na namang kalokohan ang salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey (Pinky Amador and Kazel Kinouchi) sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Biyernes, November 24, mapapanood kung paano pilit na itatago nina Moira at Zoey si Lolo Pepe (Leo Martinez).

Kaabang-abang kung paano magpa-panic ang mag-ina dahil walang dapat makaalam na bihag nila si Lolo Pepe.

Matutunghayan din ang labis na pag-aalala ni Analyn (Jillian Ward) dahil sa hindi pagsipot ni Lolo Pepe sa kanilang usapan.

Matatandaang napilitan sina Moira at Zoey na dalhin si Lolo Pepe ang itago sa likuran ng kotse upang walang makaalam na sinaktan ito ng una.

Biglang hinampas ni Moira ng bote si Lolo Pepe sa ulo matapos magbanta ang huli na ipapaalam niya sa kanyang pamilya ang kanyang nalaman.

Masabi pa kaya ni Lolo Pepe kina Anayn at Doc RJ (Richard Yap) na hindi nila tunay na kadugo si Zoey?

Saan kaya hahanapin ni Analyn ang kanyang lolo?

Makatakas pa kaya ang matanda mula sa mga kamay ng salbaheng mag-ina?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.

Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.

Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.