GMA Logo Jillian Ward, Ken Chan, Abot-Kamay Na Pangarap
What's on TV

Jillian Ward at Ken Chan, excited sa kanilang pagpunta sa Japan

By EJ Chua
Published December 2, 2023 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bianca Gonzalez explains why she took her daughters to anti-corruption rally
Japanese accused of kidnapping with r@pe in Cebu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Ken Chan, Abot-Kamay Na Pangarap


Magdadala rin ba ng kilig vibes ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Jillian Ward at Ken Chan sa Japan?

Hindi na maitago ng Abot-Kamay Na Pangarap stars na sina Jillian Ward at Ken Chan ang kanilang excitement sa nalalapit nilang pagpunta sa Japan.

Nito lamang Biyernes, December 1, 2023, nakapanayam ng GMANetwork.com sina Jillian at Ken.

Dito ay masayang ibinahagi ng Sparkle stars na parehas silang first time na magpupunta sa Japan.

Kapansin-pansin na sabik na silang makasama ang ilang Kapusong Pinoy.

Ayon kay Ken Chan, “Kami excited kami ni Doc Analyn ni Jillian because first time namin sa Japan. We are really looking forward na makita… kasi puro kuwento lang ang naririnig namin na ang ganda ng Japan, masarap ang pagkain…”

Sabi naman ni Jillian, “Siyempre maga-outfit outfit kami…”

Dagdag pa ni Ken, “Also, ma-meet 'yung mga kababayan natin na nasa Japan at mapasaya natin sila.”

Sa previous interviews ni Jillian, ibinahagi niyang nakatakdang magpunta ang ilan sa cast ng serye sa Nagoya, Japan sa darating na December 16-17, 2023.

Ang kanilang pag-alis ay kakabit din ng GMA Pinoy TV's event na “Ang Saya-saya ng Pasko sa Nagoya.”

Ito ay selebrasyon para sa Month of Overseas Filipinos o ang Proclamation No. 276.

Makakasama nina Jillian at Ken sa pagpunta sa Japan ang kanilang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars na sina Carmina Villarroel at Richard Yap.

Bukod sa event, magte-taping din ang Kapuso stars sa naturang bansa.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: