TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, makukulong na?

By EJ Chua

Mas kapana-panabik na mga tagpo ang dapat pang abangan sa susunod na episodes ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Napakaraming viewers ang tila hindi na makapaghintay sa susunod na mga mangyayari kay Moira Tanyag, ang karakter ni Pinky Amador sa serye.

Kabilang sa mga inaabangan ng mga manonood ay ang paglapit ng karma kay Moira.

Malapit na nga bang mawakasan ang inaakala niyang unlimited na kasamaan?

Hindi dapat palampasin ang susunod na mga eksena, kung saan matutunghayan ang labis na paghihirap na naghihintay para kay Moira.

Gaano kaya kabagsik ang karma na malapit na niyang maranasan?

Sa kulungan na nga ba niya gugugulin ang ilang taon ng kanyang buhay?


Si Moira ay ang salbaheng asawa ni Doc RJ, ang karakter ni Richard Yap sa naturang afternoon series.

Bukod dito, siya rin ang mommy ni Zoey, ang role naman ni Kazel Kinouchi sa programa.

Matatandaan na si Moira ang mastermind sa pag-kidnap kay Lolo Pepe (Leo Martinez), ang kanya mismong father-in-law.


Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: