
Kabilang si Doc Carlos sa mga karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap na pinanggigigilan ngayon ng viewers at fans ng serye.
Ang actor-model na si Allen Dizon ang gumaganap bilang Doc Carlos, ang asawa ni Lyneth (Carmina Villarroel).
Sa previous episodes ng serye, natunghayan na dahil sa pagseselos kay Doc RJ (Richard Yap), mas nakita ni Lyneth ang tunay na ugali ng kanyang asawa.
Matatandaan na nasugatan siya noon matapos siyang batuhin ni Carlos ng isang babasagin na baso.
Nang makita ni Analyn (Jillian Ward) ang kanyang sugat, nagsinungaling si Lyneth tungkol dito.
Sa bagong episode ng hit GMA series, mapapanood ang muling pagtatalo nina Lyneth at Carlos.
Maaabutan sila ni Analyn at masasaksihan ng batang doktor ang hindi tamang pagtrato ni Carlos sa kanyang ina na si Lyneth.
Ano kaya ang gagawin ni Analyn?
Samantala, bukod sa pagiging asawa ni Lyneth, si Carlos din ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi) at stepfather ni Analyn (Jillian Ward).
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: