TV

Richard Yap at Heart Ramos, muling nagkita

By EJ Chua

Muling nagkita ang Abot-Kamay Na Pangarap stars na sina Richard Yap at Heart Ramos.

Sa latest social media post ni Richard, masaya niyang ibinahagi ang larawan nila ng young actress.

Sulat niya sa caption ng kanyang post, “How time flies ang tangkad na ni Little Analyn @heartramos_ #aknp.”

Sa comments section, mababasa ang reaksyon at komento ng ilang netizens at viewers tungkol sa pagkikita nina Richard at Heart.

Ayon sa ilan sa kanila, “Dalaga na siya [Heart Ramos]...”

Sabi pa ng isang netizen, “Ganda ni little Analyn same ni Doc Analyn ngayon.”

Ang Kapuso Chinito actor ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Doc RJ Tanyag.

Ang young star naman na si Heart ay nakilala sa GMA medical drama series bilang batang version ni Analyn Santos na role ngayon ni Jillian Ward.

Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: