
Isa si Geneva Cruz sa mga aktor na napapanood ngayon sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya sina Carmina Villarroel, Richard Yap, at Allen Dizon.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “Grateful to work with these talented actors, #abotkamaynapangarap.”
Si Geneva ay napapanood sa serye bilang si Irene Benitez. Sina Carmina, Richard, at Allen naman ay kilala rito bilang sina Lyneth, Doc RJ, at Doc Carlos. Ang karakter ni Geneva na si Irene ay dating partner ni Doc Carlos, ang role ng actor-model na si Allen.
Bukod kay Geneva, masaya rin ang seasoned actress na si Dina Bonnevie na makatrabaho ang Abot-Kamay Na Pangarap stars.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye sa SHOWPAGE nito.