
Bukod sa mga karakter nina Jillian Ward at Carmina Villarroel sa Abot-Kamay Na Pangarap, na sina Analyn at Lyneth, nakatutok din ang mga manonood sa karakter ni Allen Dizon.
Napapanood siya sa hit GMA series bilang si Doc Carlos Benitez, ang lalaking akala ng lahat ay isang mabuting tao.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan ang ilang kasamaan ni Carlos.
Kabilang na rito ang pananakit niya kay Lyneth at pagpatay sa kanyang dating kinakasama na si Irene (Geneva Cruz).
Hindi rin nakalampas ang mismong anak ni Carlos na si Harry sa kasamaan ng una.
Kamakailan lang, ipinalabas din ang mga eksena nina Lyneth at Harry habang tumatakas sila mula sa pagbihag sa kanila ni Carlos.
Kasunod nito, to the rescue na si Doc RJ Tanyag, ang karakter ni Richard Yap sa serye.
Dahil sa sunud-sunod na mga ginawa ni Carlos, gigil na gigil na sa kanya ang solid viewers, netizens, at fans ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Narito ang ilang reaksyon ng mga manonood tungkol kay Carlos.
Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, kaabang-abang kung ano pa ang susunod na mangyayari sa kanya.
Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Martes ng hapon:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: