
May bagong karakter na papasok sa award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa susunod na episode ng serye, makikilala na ng mga manonood ang babaeng si Morgana Go.
Una siyang makikita ng mga tao sa lobby ng APEX Medical Hospital, ang ospital kung saan nagtatrabaho sina Doc Analyn (Jillian Ward) at Doc Zoey (Kazel Kinouchi).
Labis na mapupukaw ang atensyon ng marami dahil sa suot niyang traditional Chinese dress.
Sino kaya si Morgana Go?
Sino kaya ang mga maapektuhan sa kanyang pagdating?
Gulo rin ba ang dala niya gaya ni Madam Chantal (Pilar Pilapil)?
Abangan ang ilang detalye tungkol sa tunay niyang pagkatao.
Patuloy na tumutok sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.