
Isang bigating guest star ang mapapanood sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Magiging bahagi ng cast ng patok na serye ang K-drama actor na si Kim Ji Soo.
Gaganap siya rito bilang Dr. Kim Young, visiting doctor mula sa South Korea at isang child psychiatrist.
Makikilala niya ang karakter ng bidang si Jillian Ward na si Dr. Analyn Santos sa pagpasok niya sa APEX Medical Hospital.
Huling napanood si Ji Soo sa hit full action series na Black Rider kung saan nakasama niya sina primetime action hero Ruru Madrid, Yassi Pressman, at marami pang iba.
Gumanap siya rito bilang assassin na si Adrian Park kaya naipamalas niya ang galing niya sa actions scenes.
BALIKAN ANG UNANG PAGLABAS NI KIM JI SOO SA ISANG PHILIPPINE TELEVISION SERIES DITO:
Abangan si Kim Ji Soo bilang Dr. Kim Young sa Abot-Kamay Na Pangarap, Monday to Saturday, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.