Magdadalawang-taon nang napapanood sa telebisyon at online ang Abot-Kamay Na Pangarap, ngunit ramdam na ramdam pa rin ang mainit na suportang ibinibigay ng viewers para sa serye at pati na rin sa mga karakter na napapanood dito.
Ang naturang serye ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Kilala sila sa award-winning series bilang sina Analyn at Lyneth.
Bukod sa kanila, parte rin ng cast sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Dina Bonnevie, Allen Dizon, Ken Chan, Chuckie Dreyfus, Jeff Moses, at marami pang iba.
Silipin sa gallery na ito ang ilang larawan tungkol sa cast at sa serye.
Nito lamang July, nagsimula na ang taping para sa upcoming afternoon drama series na 'Abot Kamay Na Pangarap.'
Taas-kamay ng mga tagahanga ng celebrity mom at 'Sarap, 'Di Ba?'' host na si Carmina Villarroel!
Nagbalik na sa GMA Afternoon Prime ang promising young actress na si Jillian Ward!
Hinahangaan ng Filipino viewers ang tandem ng dalawang mahuhusay na Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward bilang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.
Makalipas ang mahigit dalawang dekada, muling napanood ang aktor na si Dominic Ochoa sa GMA Network.
Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, ang nagpatibok sa puso ni Lyneth, ang karakter ni Carmina Villarroel.
Pinky Amador as Moira Tanyag, ang kontrabida sa buhay nina Lyneth at Analyn na asawa ni Dr. RJ Tanyag.
Si Wilma Doesnt ay kasalukuyang napapanood bilang si Josa, ang best friend ni Lyneth.
Napapanood din sa pinakabagong drama series ang komedyante na si Ariel Villasanta.
Ano kaya ang pinoproblema nilang tatlo?
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING GMA DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY NA ITO:
Sino kaya ang masugid na manliligaw ni Lyneth?
Tahan na Analyn, kapit lang!
Subaybayan ang mother-daughter tandem nina Lyneth at Analyn sa 'Abot Kamay Na Pangarap.'
Ang mga nasa larawan ay sina (mula sa kaliwa) John Vic De Guzman as Dr. Ken Prado, Jillian Ward as Dra. Analyn Santos, Eunice Lagusad as Caren Kaudal, Kazel Kinouchi as Zoey Tanyag, at Alchris Galura as Evan Nicolas.
Meet the two Analyn! Si Jillian Ward ang dalaga version at si Heart Ramos naman ang batang version ni Analyn.
Bardagulan on cam, kulitan off cam!
Maganda na, matalino pa! Taas-kamay ng mga tagahanga ni Dra. Analyn Santos!
Say hi to Dr. Luke Antonio (Andre Paras), Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), and Regan Tibayan (Jeff Moses).
Wow! Ang sweet naman ni Zoey (Kazel Kinouchi) kay Analyn (Jillian Ward) sa picture na ito habang kasama nila ang isang pasyente.
Picture muna bago panggigilan ni Moira (Pinky Amador) ang mag-inang sina Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel and Jillian Ward).
Say hello to Nurse Karen (Eunice Lagusad) at Nurse Evan (Alchris Galura), ang ilan sa mga marites sa APEX Medical Hospital!
Ang sweet naman nina Analyn at Zoey! Parang hindi madalas mag-away ah!
Miss n'yo na rin ba sila Ninang Josa (Wilma Doesnt) at Ninong Cromwell (Ariel Villasanta)?
Sina Jillian Ward at Eunice Lagusad ay magkaibigan on cam at off cam.
Say hello to Doc Analyn (Jillian Ward) at sa cool director ng Abot-Kamay Na Pangarap na si Direk LA Madridejos.
Sa likod ng bawat matinding eksena ay puno ng saya at tawanan ng Abot-Kamay Na Pangarap family.
Sa unang larawan, makikita ang expectation ng viewers kina Lyneth (Carmina Villarroel) at Moira (Pinky Amador).
Sa katabing larawan naman ay mapapansin na sa reality ay close na close ang dalawa.
Ang larawang ito nina Doc Analyn (Jillian Ward), Doc Lyndon (Ken Chan), at Reagan (Jeff Moses) ay nakuhanan sa episode ng serye kung saan nagsama-sama sila sa isang party.
Sino sa apat na binata na ito ang gusto mo para kay Doc Analyn?
Group picture muna bago mapagod sa intense scenes dahil kay Moira.
Kapansin-pansin na na-enjoy ng cast ang kanilang taping sa Zambales.
Wacky poses mula kina Doc Ray (Chuckie Dreyfus) at Justine (Klea Pineda).