Stars ng Abot-Kamay na Pangarap, nagbigay-saya sa global Pinoys sa Japan!

Maagang pamasko para sa global Pinoys ang pagbisita ng stars ng Abot-Kamay na Pangarap sa Nagoya, Japan nito lamang December 16 at 17. Hindi lang kasi nila nakita nang personal ang Kapuso stars na sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Ken Chan at Jillian Ward, nag-perform din ang kanilang mga idolo at nagkaroon pa ng meet and greet ang ilang fans.
"Abot Kamay Na Pangarap” cast nagpasaya ng global Pinoys sa Nagoya Japan
Lubos ang pasasalamat ni Jillian sa mainit na pagtanggap ng global Pinoys at sa pagsuporta ng mga ito sa Abot-Kamay na Pangarap.
“Maraming, maraming salamat po sa inyo. Dahil kahit nasaan man po silang parte ng mundo, sumusuporta pa rin po sila sa Abot-Kamay na Pangarap sa GMA Pinoy TV. Sana po ay napapasaya po namin kayo na kahit nasa ibang bansa po kayo ay nararamdaman ninyo pa rin po ang pagiging Pilipino po ninyo.”
Espesyal naman daw para kay Ken ang unang pagbisita niya sa Japan dahil nakasama niya ang global Pinoys.
“Ang sarap sa pakiramdam. It is my first time here in Japan. And ang sarap na nagtitilian sila at talagang gustong-gusto nila iyong performances namin. And I am so grateful and blessed na nakapasyal ako rito sa Nagoya, Japan, kung saan may pinakamaraming global Pinoys dito. At masaya, masaya kaming lahat. Lahat kami, kinikilig.”
Nagpapasalamat din si Richard sa lahat ng dumayo pa mula sa iba't ibang panig ng Japan makita lang ang Kapuso stars.
“I think that we are very honored that lahat ng tao rito gave us a very warm welcome, especially on our first day. Kahit na hindi nila alam na nandito kami, they all came out to watch us.”
Global Pinoys in Nagoya visited the GMA Pinoy TV booth.
Masaya rin si Carmina na makasalamuha ang global Pinoys na hindi nagpatinag sa kabila ng matinding lamig.
“Maraming salamat from the bottom of our hearts kasi kahit na super lamig, nandiyan pa rin kayo, naghihintay para lang makita kami. Kahit lamig na lamig din sila, pero feeling naman namin, uminit sila noong nakita kami. So, thank you po for your support from the bottom of our hearts and sana makabalik kami ulit dito next time.”
Ang hiling din ni Jillian, mas marami pa sana silang mabisitang mga bansa para makapagbigay-saya sa mas marami pang global Pinoys.
“Tandaan po natin, lahat tayo, proud Pinoy! At sana po ma-travel po namin ang buong mundo para makita po namin kayo at ma-entertain at magbigay po ng saya sa inyo. We love you so much at mag-iingat po kayo and God bless you all!
Bukod kina Carmina, Richard, Ken at Jillian, sinorpresa din nina Pinky Amador at Kazel Kinouchi, na gumaganap sa karakter nina Moira at Zoey, ang mga global Pinoys sa Japan.
Bago ang kanilang show, nagkaroon din ng pagkakataon sina Carmina, Richard, Ken at Jillian at ilang GMA representatives na mabisita ang Philippine Consulate General sa Nagoya at personal na makausap si Consul General Roy Ecraela. Magkakaroon din ng taping ang Abot-Kamay na Pangarap sa Japan na extended hanggang 2024.
"Abot Kamay na Pangarap," pay a courtesy visit to Consul General Roy Ecraela of the Philippine Consulate General in Nagoya, Japan
Para mapanood ang full episodes ng “Abot-Kamay na Pangarap” overseas, mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, The Home of Global Pinoys. Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.












