Masayang-masaya ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers para sa social media star na si Chichi Dela Cruz.
Nito kasing Miyerkules, April 9, nagsimula nang mapanood si Chichi bilang isa sa guest stars ng serye.
Sa kaniyang latest vlog na mapapanood sa Facebook, ibinahagi ng vlogger ang ilang larawan niya kasama ang ilang original cast members ng hit series.
Isa sa mga unang naka-eksena ni Chichi Dela Cruz ay si Tyang Susan, ang karakter ng veteran actress na si Dexter Doria.
Bukod kay Tyang Susan, nakasama na rin ni Chichi Dela Cruz sa ilang eksena si Josa, ang role na binibigyang-buhay ni Wilma Doesnt.
Nakapagpa-picture si Chichi Dela Cruz sa Kapuso Chinito actor na si Richard Yap, ang gumaganap na Doc RJ Tanyag sa serye.
Hindi maikakailang masaya si Chichi Dela Cruz na maka-eksena ng personal ang isa sa mga kontrabida ng serye na si Doc Zoey (Kazel Kinouchi).
Nakita rin ni Chichi Dela Cruz ang best friend ni Doc RJ na si Doc Ray Meneses, na ginagampanan ni Chuckie Dreyfus.
Hindi rin pinalampas ni Chichi Dela Cruz ang pagpapa-picture kaya Doc Eula (Denise Barbacena).
Nagkaroon ng instant bonding sina Chichi Dela Cruz, Dexter Doria, at Wilma Doesnt habang nasa set sila ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Sobrang nag-e-enjoy ang social media star na si Chichi Dela Cruz habang nagte-taping para sa serye.
Ano kaya ang susunod na mangyayari sa karakter ni Chichi Dela Cruz? Subaybayan ang kaniyang karakter sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'