'Abot-Kamay na Pangarap' cast, muling nagsama sa finale cast party ng drama

Maraming tumutok sa finale ng GMA hit afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap nitong Sabado (October 19). Maraming netizens ang kinilig, naintriga, at natuwa sa mga rebelasyon sa pagtatapos ng istorya.
Bilang selebrasyon sa matagumpay na finale, nagtipon ang Kapuso team sa isang friendly finale party. Present ang Kapuso stars tulad nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, at Dina Bonnevie. Nakisaya rin ang Korean oppa na si Kim Ji-soo at ang mga artist na sina Andre Paras, Heart Ramos, Klea Pineda, at marami pang iba.
Syempre, hindi rin nagpahuli sa kulitan at saya ang buong production team ng Abot-Kamay na Pangarap. Labis ang kanilang tuwa na makapag-picture, kwentuhan, at kantahan kasama ang cast ng programa.
Silipin ang Abot-Kamay na Pangarap finale party dito:











