
Naging mas malaki umano ang respeto ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa trabaho ng mga doktor matapos silang mag hospital immersion noon sa simula ng hit medical drama series na Abot-Kamay na Pangarap.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 18, ikinuwento ni Jillian na isa sa mga naging paghahanda nila para sa serye ay ang hospital immersion. Doon ay pinanood nila kung paano ginagawa ng mga doktor ang kanilang trabaho. Aniya, napaka-unforgettable ng experience na 'yun para sa kaniya dahil sa edad na 17 ay nanonood na siya ng brain surgery ng live.
“Sabi ko nga po, parang hindi na po nagma-matter sa'kin kung mag re-rate po 'yung show at that time kasi sabi ko, grabe po 'yung experiences na binigay sa'kin ni God,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Jillian, “'Yun po 'yung pinakaimportante sa'kin; experiences, 'yung mga natututunan ko more than 'yung fame and 'yung success.”
BALIKAN ANG CELEBRITY GUEST STARS NG 'ABOT KAMAY NA PANGARAP' SA GALLERY NA ITO:
Dahil nabanggit na rin ni Jillian ang tungkol sa hospital immersion nila, tinanong na rin siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang isang natutunan niya mula doon.
Ang sagot ni Jillian, “Natutunan ko po na nakita ko po kasi kung gaano po kahirap 'yung trabaho ng mga doktor so natutunan ko po na mas respetuhin po 'yung mga ginagawa nila, unang-una sa lahat.”
Kuwento pa ng aktres ay maraming fans sa ospital kung saan sila nag-immersion ang nagpapa-picture sa kanila, at aniya, bilang artista, doon niya naramadaman na talagang nakakapagpasaya sila ng mga tao.
Panoorin ang buong panayam kay Jillian dito: