GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap, Kazel Kinouchi, Jillian Ward
What's on TV

'Abot Kamay Na Pangarap' humahakot ng million views sa social media

By EJ Chua
Published October 4, 2022 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap, Kazel Kinouchi, Jillian Ward


Inspirational-medical drama na 'Abot Kamay Na Pangarap,' nakakatanggap ng mainit na pagsuporta mula sa netizens!

Ramdam na ramdam ang mainit na suportang natatanggap ng GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap hindi lang mula sa television viewers kundi pati na rin sa netizens.

Kasabay ng patuloy na pamamayagpag sa ratings, nagte-trending pa sa social media ang ilang videos ng programa.

Ilan sa kinagiliwan ng netizens ay ang eksena nina Analyn Santos (Jillian Ward), Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dra. Katie Enriquez (Che Cosio).

Sa video na ito, unang mapapanood kung paano nasubukan ang husay at talino nina Analyn at Zoey.

Mapapanood din sa video ang naging reaksyon ni Zoey nang mapahiya siya sa harap ni Analyn dahil hindi siya pinili ng inaanak ng kaniyang mommy na si Dra. Katie.

Kakilala man siya ng ibang mga doktor sa APEX Medical Hospital, hindi pa rin gumana ang panggagamit ni Zoey ng kaniyang mga koneksyon para siraan si Analyn.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 3.7 million views ang video na ito sa Facebook.

Maaari ring mapanood ang nasabing eksena DITO:

Sa TikTok account naman ng GMA Network, mayroon nang mahigit 2 million views ang eksena kung saan mapapanood na nakumpirma ni Dra. Analyn na mayroon ngang appendicitis ang isang dalagang pasyente.

Napanood din dito kung paano ipinaglaban ng genius resident na kailangang maoperahan ang babaeng may appendicitis upang mailigtas ang buhay nito.

@gmanetwork Episode 23 | "Makinig po muna kayo sa 'kin!" - Analyn #abotkamaynapangarap #jillianward #medical ♬ original sound - GMA Network

Maaaring mapanood ang full episode nito DITO:

Patuloy na subaybayan ang kuwento ng youngest doctor na si Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: