TV

Medical drama series 'Abot Kamay Na Pangarap' is a certified on-air and online hit!

By EJ Chua

Sa ikaanim na linggo ng inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, patuloy pa ring nakatatanggap ang serye ng mainit na suporta mula sa mga manonood.

Mapa-on-air o at online, hindi maikakaila na maraming naaantig sa istorya ng mag-inang Lyneth at Analyn, ang mga karakter na ginagampanan ng Kapuso actress na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Bukod sa mataas na ratings ng programa, wagi rin ito sa views ng bawat video na mapapanood sa social media.

Ilang episodes at video highlights ng Abot Kamay Na Pangarap ang patuloy na humahakot ng million views online.

Kabilang na rito ang video kung saan mapapanood na inakala ni Analyn na siya ay tatanggalin na ni Dr. Tanyag (Richard Yap) sa trabaho bilang doktor.

Sa kasalukuyan, ang nasabing parte ng isang episode ay mayroon nang 2.6 million views sa Facebook.

Ang eksena naman kung saan mapapanood ang tagisan ng talino nina Analyn (Jillian Ward) at Zoey (Kazel Kinouchi) ay mayroon nang mahigit six million views.

Ilan lamang ito sa nag-tetrending na videos ng serye na talaga namang sinusubaybayan ngayon ng mga Kapuso.

Maaaring balikan ang mga nagdaang episode ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

Mga Kapuso, inaasahan namin ang patuloy ninyong pagsubaybay sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mapanood din ang programa via Kapuso livestream.

SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: