GMA Logo Jillian Ward and Richard Yap
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Doc RJ as Dra. Analyn's father | Week 8

By EJ Chua
Published November 2, 2022 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Richard Yap


Doc RJ, bumabawi sa kaniyang anak na si Dra. Analyn! Balikan ang mga naging kaganapan sa ikawalong linggo ng 'Abot Kamay Na Pangarap' DITO:

Anu-ano nga ba ang mga nangyari sa ikawalong linggo ng Abot Kamay Na Pangarap?

Noong nakaraang linggo, napanood ng mga Kapuso kung paano nalaman ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) na mayroong anak si Lyneth (Carmina Villarroel).

Lyneth has a child

Dahil hindi mapanatag ang kaniyang loob, gumawa ng paraan si Doc RJ upang malaman kung siya ang ama ng anak ni Lyneth na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Kasunod nito, labis na nabahala si Lyneth nang sabihin ni Doc RJ na ipina-DNA test niya si Analyn at alam na niyang anak niya nga ito.

Dahil natakot si Lyneth na malaman ni Analyn ang katotohanan, pinilit niya itong mag-resign sa APEX Medical Hospital.

All about Lyneth's secret

Wala man siyang alam na dahilan kung bakit kailangan niyang mag-resign, sinunod pa rin ni Analyn ang kagustuhan ng kaniyang ina.

Sa mismong farewell party na inihanda ng mga katrabaho at kaibigan ni Analyn para sa kaniyang pag-alis, laking gulat ng batang doktor nang sabihin ni Doc RJ na binabawi na ni Lyneth ang plano niyang paalisin ang kaniyang anak sa ospital.

Doc RJ and Lyneth's agreement

Dahil napapayag niya si Lyneth, nagkaroon ng pagkakataon si Doc RJ na bumawi sa kaniyang anak na si Dra. Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa.

Samantala, mukhang magugulo ang buhay ni Lyneth dahil dalawang lalaki ang umaaligid sa kaniya.

Sino kaya ang mas matimbang sa puso ni Lyneth? Ang kaibigan niyang si Michael o ang tunay na ama ni Analyn na si Doc RJ?

Michael vs Doc RJ

Abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa susunod na episodes ng Abot Kamay Na Pangarap!

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: