GMA Logo Dominic Ochoa and Carmina Villarroel in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Sikreto ni Lyneth, alam na rin ni Michael?

By EJ Chua
Published November 7, 2022 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6-anyos na lalaki, sugatan ang kamay nang subukang paputukin ang isang boga
Camille Prats and family travel to California
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Ochoa and Carmina Villarroel in Abot Kamay Na Pangarap


Napanood n'yo ba kung paano inamin ni Lyneth ang katotohanan kay Michael? Panoorin DITO:

Sa katatapos lang na episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, nagdiskusyon sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Michael (Dominic Ochoa) dahil kay Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Nang malaman ni Michael na si Doc Tanyag ang manliligaw ni Lyneth, agad niya itong kinompronta upang malaman niya ang katotohanan.

Ilang beses na itinanggi ni Lyneth ang mga ibinibintang sa kaniya ng kaniyang kaibigan ngunit tila ayaw nitong maniwala sa kaniyang mga sinasabi.

Imbes na pakinggan, tuluy-tuloy lang sa pagsasalita si Michael at binalak pa nitong aminin ang lahat kay Moira (Pinky Amador), ang asawa ng doktor.

Sa gitna ng mainit nilang pag-uusap, isang bagay ang nalaman ni Michael tungkol sa tunay na koneksyon nina Lyneth at Doc RJ.

Gulat na gulat siya nang sabihin ni Lyneth na ang lalaking pinagseselosan ni Michael na si RJ ang tunay na ama ni Analyn (Jillian Ward).

Panoorin sa video na ito kung paano inamin ni Lyneth ang buong katotohanan kay Michael:

Mapipigilan pa kaya ni Lyneth ang patuloy na pagkalat ng kaniyang sikreto?

Abangan ang kasagutan sa susunod pang episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap!

Patuloy na subaybayan ang programa, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: