
Ang medical-inspirational drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ay ang number 1 GMA show online.
Bukod dito, isa pang pagkilala ang magpapatunay na talaga namang minamahal ng mga manonood ang trending na serye.
Kasabay ng parangal na natanggap ng GMA-7 bilang TV Station of the Year, kinilala naman bilang Television Drama of the Year ang Abot-Kamay Na Pangarap sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards.
Ang seryeng ito ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Kapansin-pansin na hook na hook ang mga manonood sa istorya ng mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina and Jillian).
Bukod sa kanilang mga karakter, nakatutok din ang viewers ng serye kina Doc RJ (Richard Yap), Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), Michael (Dominic Ochoa), Moira (Pinky Amador), Dra. Katie (Che Cosio), at iba pang kabilang sa cast ng programa.
Mabilis at patuloy na humahakot ng million views sa Facebook at TikTok ang videos ng serye, kung saan mapapanood ang ilang tagos sa puso at mga nakakagigil na mga eksena.
Bukod sa mga aktor na unang nabanggit, napapanood din sa programa sina Wilma Doesnt, Andre Paras, Chuckie Dreyfus, Ariel Villasanta, veteran actress na si Dexter Doria, at marami pang iba.
Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama series tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: