GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Ang regalong stethoscope ni Doc Luke

By Faye Almazan
Published January 27, 2023 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Muli nga bang magkakalamat ang samahan ni Dra. Analyn at Dra. Zoey?

Ngayong Biyernes sa trending GMA seye na Abot-Kamay Na Pangarap ay may bagay na nagbabadyang pumagitna sa pagkakaibigan nila Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).

Masayang nagbalik sa APEX Medical Hospital si Dra. Zoey matapos nitong magpahinga dahil sa post-traumatic stress disorder (PTSD) na naranasan nang siya ay ma-kidnap ng mga armadong lalaki habang nasa isang medical mission.

Ngunit ang kaligayahan ni Dra. Zoey ay napalitan ng mga luha nang makipaghiwalay sa kanya ang kanyang nobyo na si Doc Luke (Andre Paras).

Nakita ni Dra. Zoey na nagpabili ng bagong stethoscope si Doc Luke at suspetiya niya ay ibibigay ito ng doktor sa kanyang bagong napupusuan.

Ngunit, laking gulat niya nang makita ang nasabing stethoscope sa loob ng locker ni Dra. Analyn.

Paano ito makakaapekto sa pagkakaibigan ng dalawang doktor?

Magiging dahilan ba ito ng muling pagkakalabuan nila Dra. Analyn at Dra. Zoey?

Silipin sa video ang ilan sa mga eksenang dapat abangan mamaya:

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA TRENDING NA SISTER MOMENTS NILA DRA. ANALYN AT DRA. ZOEY SA GALLERY NA ITO: