GMA Logo Leo Martinez and Richard Yap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ, may sama ng loob sa kaniyang sariling ama?

By EJ Chua
Published February 1, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Leo Martinez and Richard Yap


Bakit kaya galit na galit si Doc RJ sa kaniyang ama? Alamin DITO: #AbotKamayNaPangarap

Sa pagpapatuloy ng 2023 Television Drama of the Year na Abot-Kamay Na Pangarap, isang matandang lalaki ang nakatagpo ng genius doctor na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Ang pangalan ng lalaki ay Joselito Cruz (Leo Martinez) at ayon kay Dra. Analyn ay hinahanap daw nito ang medical director ng APEX Medical Hospital na si Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Nang malaman ni Doc RJ ang tungkol dito, agad siyang napaisip kung ang kaniyang ama ang naghahanap sa kaniya.

Habang iniisip ang ilang mga naging karanasan niya noon tungkol sa kaniyang ama, naikuwento niya sa kaniyang kaibigan na si Doc Rey Meneses (Chuckie Dreyfus) na para sa kaniya ay wala na siyang ama.

Dahil pinabayaan at kinalimutan daw siya noon ng kaniyang sarili ama, dumating na sa punto na para sa kaniya ay matagal na itong patay.

Kapansin-pansin na may malalim na sama ng loob si Doc RJ sa kaniyang ama na si Mang Joselito.

Habang seryosong nag-uusap ang dalawang doktor, hindi nila alam na nakikinig pala sa kanila ang matandang lalaki na naghahanap kay Doc RJ.

Ang bagong pasyente kaya ni Dra. Analyn ang ama ni Doc RJ na nang-iwan sa kaniya noon?

Bakit kaya bigla niyang pinuntahan si Doc RJ sa APEX?

Puro galit na nga lang ba ang natitira sa puso ni Doc RJ para sa kaniyang ama?

Paano kung muli niya itong makatagpo?

Samantala, panoorin ang eksenang ito:

Mr. Chinito and his daddy issues!

Huwag palampasin ang matitinding mga tagpo at mga rebelasyon sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: