GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

#AbotKamayNaPangarap: Video about Analyn's birthday hits more than 1M views in just 1 hour

By EJ Chua
Published February 1, 2023 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ang birthday surprise para kay Analyn ay mabilis na nag-viral sa social media.

Umaapaw na suporta ang natanggap ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap sa episode na ipinalabas ngayong unang araw ng Pebrero.

Matapos ang ilang araw na pagpaplano ni Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) at ng kaniyang mga kasabwat, matagumpay na naisagawa kanina ang birthday surprise para kay Dra. Analyn (Jillian Ward).

Sa Facebook ng GMA Network, mapapanood ang video kung saan tampok ang birthday surprise para sa young at genius doctor na si Dra. Analyn Santos.

Natunghayan ng mga manonood kung paano siya nagulat nang malaman na isang sorpresa ang inihanda ni Dra. Zoey para sa kaniyang kaarawan.

Nang makita niya ang kaniyang mga kamag-anak at mga kaibigan, tila natulala si Dra. Analyn dahil niya inaasahan na gagawin ito ni Dra. Zoey para sa kaniya.

Napanood din ang kaniyang grand entrance habang suot ang kaniyang gown at mga alahas na iniregalo ng dating bully doctor.

Samantala, mabilis na nag-trending sa Facebook ang video tungkol sa birthday ni Dra. Analyn.

Sa katunayan, humakot ito ng mahigit 1 million views sa loob lamang ng isang oras.

Panoorin ang video na ito:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang Abot-Kamay Na Pangarap episodes dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST TALKED-ABOUT SISTER MOMENTS NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: