
Sa episode ng hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, March 6, natunghayan na binigyan ni Dra. Katie (Che Cosio) ng bagong oportunidad si Analyn (Jillian Ward) sa labas ng APEX Medical Hospital.
Nang magpunta sina Dra. Katie at Analyn sa Eastridge Medical Hospital, ipinakilala ng una ang huli sa isa rin sa mga mahuhusay na doktor sa bansa na si Doc Carlos Benitez (Allen Dizon).
Nabigla si Analyn nang marinig niya mula kay Doc Carlos na welcome siya sa Eastridge sakaling matuloy ang pag-alis niya sa APEX.
Sagot ni Analyn, “Doc, pasensiya na po pero hindi naman po ako nag-a-apply.”
Ayon kay Dra. Katie, naalala niya raw noon na sinabi ng young at genius doctor na si Analyn na pinag-iisipan niyang umalis sa APEX.
Sabi ni Katie, “Dra. Santos, na-mention mo kasi sa akin na you're thinking of leaving APEX. So, naisip ko na Eastridge would be the best place for you to pursue your residency.”
Kasunod nito, ipinaliwanag ni Dra. Katie na masuwerte si Analyn na Eastridge na ang lumalapit sa kaniya imbes na siya ang magpakahirap na maghanap ng ospital na papasukan.
Kamakailan lang, napanood ang unang paglabas ng karakter ni Allen Dizon sa serye.
Ang doktor na nakausap ni Dra. Katie at Analyn ay ang tunay na am ani Zoey (Kazel Kinouchi).
Paano kaya kapag nalaman ni Zoey na inalok ng kaniyang ama si Analyn na magtrabaho sa kanilang ospital?
Muli bang kaiinggitan ni Zoey ang pinakabatang doktor sa bansa?
Panoorin ang eksenang ito:
Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog na mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: