GMA Logo Jillian Ward and Richard Yap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' impressive ang rating!

By EJ Chua
Published March 16, 2023 3:52 PM PHT
Updated March 16, 2023 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Richard Yap


Episode tungkol sa alaala ni Doc RJ at pagsagip ni Analyn sa isang bata, nakakuha ng 10.8 percent na TV ratings! #AbotKamayNaPangarap

Ang GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ay itinuturing ngayon bilang tunay na seryeng pinag-uusapan.

Ngunit bukod dito, patuloy ding humahataw sa TV ratings ang naturang programa na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Panalo sa ratings ang episode ng serye na ipinalabas kahapon, March 15, 2023.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 10.8 percent rating ang episode, pinakamataas na rating na nakuha ng serye mula nang ipalabas ito sa GMA Afternoon Prime.

Napanood sa katatapos lang na episode kung anu-ano ang mga natirang alaala sa isipan ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) matapos siyang magising mula sa pagka-comatose.

Natunghayan din dito ang ginawang pagtulong ni Analyn (Jillian Ward), at ang mabilis niyang pagresponde para mailigtas ang isang batang inaabuso ng tiyahin.

Balikan ang ilang tagpo sa March 15 episode ng Abot-Kamay Na Pangarap sa video sa ibaba:

Anu-ano pa kaya ang susunod na kahaharapin ng batang doktor na si Analyn Santos?

Sinu-sino pa ang makakasalamuha niya?

Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa patuloy na nagte-trending na medical drama series, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: