TV

Adarna cast members give messages and prayers to the victims of Yolanda


Sa ginanap kamakailan na press conference ng bagong GMA Telebabad show na Adarna, nagbigay ang ilang cast members ng kanilang messages at prayers para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Bukod pa rito, may nagbigay rin ng kanilang mensahe sa mga Pilipino para hikayatin ang lahat na tumulong.

Narito ang kanilang words of wisdom para sa agad na pagbangon ng mga biktima ng nasabing kalamidad: 

 
Kylie Padilla
Siyempre hindi dapat mawala yung dasal saka dapat maging matibay sila kasi marami namang tumutulong like from abroad maraming tulong ang dumarating.

Benjamin Alves
Buong bansa, sana maka-recover tayo. Although grabe talaga (ang) nangyari sa 'tin pero nakikita mo naman ang kabayanihan ng Pinoy, talagang tumutulong lahat even Filpinos abroad so sana makabangon tayo bago mag-Pasko.

Dante Rivero
Panalangin, magdasal tayo na sana ‘yung may kaya tumulong sila. Sana makaraos na ‘yung nakararami sa dalamhating dinaranas nila. And just keep on praying na sana po malampasan (nila) lahat.

Geoff Eigenmann
I hope that everything, all the help are being given to the people at umabot sa kanila. Please, anyone, empty your pockets, go, and give them all the donations.

Michelle Madrigal
Ako siyempre everyday nagdarasal ako na sana kayanin pa nila at matagalan pa nila. Kasi everyday sa news, minsan ayoko na ring panoorin kasi nakakaiyak. Maraming taong hindi nakatatanggap ng tulong at maraming gustong tumulong. So sana huwag silang mawalan ng pag-asa na ‘yung tulong ay dumating din sa kanila.

Mikael Daez
Para sa bansa natin, alam naman natin na medyo malala ‘yong mga pinagdaanan ng mga kababayan natin ngayon especially sa Visayas so sana po magkaroon tayo ng samahan na magtulung-tulungan na maayos ‘yung mga problema natin para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

Ryza Cenon
For me, ipinapanalangin ko at pinagpe-pray ko talaga everyday na sana matapos na siya, sana ma-save na lahat kahit makuha na silang lahat tapos dalhin sila sa ibang lugar para doon sila pakainin. Sana mga Kapuso, kung meron kayong mga lumang damit, kung meron pa kayong extra budget or money, sana tulungan nyo po ‘yung mga Kapuso natin sa Visayas, kailangan na kailangan po nila ng suporta natin.

Saab Magalona
I pray that those who survive will stay strong. It really breaks my heart and I pray talaga that they get what they need.

 
Abangan ang mga characters na kanilang gagampanan sa Adarna, weekdays after 24 Oras sa GMA Telebabad. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com