TV

Adarna cast nakikiisa sa muling pagbangon mula sa Typhoon Yolanda


Sa pagsisimula ng Adarna ngayong linggo, nakilala natin ang mga karakter na aabangan nating gabi-gabi sa pinaka bagong telefantasya ng GMA. Sa press conference ng nasabing show, tinanong ng GMANetwork.com kung paano ba sila nakakatulong sa mga biktima ng Typhoon Yolanda at paano sila nakikiisa sa muling pagbangon ng buong Pilipinas. 

Kylie Padilla 
Nakapagpadala na'ko ng relief goods at saka nakapag-telethon na'ko. Nagtanong nga ako kung puwede akong pumunta roon pero sabi nga hindi raw puwede kasi masyadong magulo. Pero para sa'kin kasi gusto ko yung personal na tutulong.

Benjamin Alves
Of course, tumulong na po kami sa simbahan. At ang pamilya ko po, bilang nasa Guam po, balak po naming mag-collect ng pera para makapag-donate ng cash kasi malaki po ang mararating ng dollar. So hinihintay ko po yung padala sa'kin ng nanay ko para makatulong kami sa kahit anong paraan.

Geoff Eigenmann
We're planning to gather our things to bring there - the relief goods, mga damit, at mga pagkain. Actually we're making our own move to bring it ourselves there. There's actually someone who is leaving for next week to Iloilo so hiwalay na we're doing our own things para umabot talaga sa mga nasalanta.

Mikael Daez
Nag-telethon ako a few days ago. Kung saan kailangan, kung saan pwedeng tumulong, tutulong ako like sa mga telethon, kahit hindi ka direkta na tumutulong doon mismo sa mga affected areas, yung mga ginagawa mo as a team, as a group, as a country, eventually makikita at makatutulong ‘yan sa mga biktima ng typhoon. ‘Yon sana yung gusto kong gawin, whatever is there like telethons and raising awareness. We're very influential in social media so sa mga programa, sa mga messsages na kailangang ipadala ng gobyerno, ng mga charity organizations or other foundations, tutulong kami.

Saab Magalona
Last Saturday, there’s an event that I that I held, it's called Bazaar Love Triangle. We had a booth there, hundred percent went to (Philippine) Red Cross. I got my sister, my brothers and a couple of my friends like sila Lauren Young, Megan (Young), Jasmine Curtis, Anne Curtis, just to name a few. A lot of people donated and then we sold our clothes. We used it to generate more funds for their basic necessities.

Subaybayan ang kanilang mga characters sa Adarna, weeknights after 24 Oras sa GMA Telebabad.

- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com