TV

Halik ng Adarna: 'That kiss actually reminded me of Angel' - Migo


Nagtapos ang Week 8 ng Adarna sa linyang ito na binitiwan ni Migo Salva matapos niyang mapanaginipan sina Angel at Ada.

Magsisimula na kaya siyang maghinala na iisang tao lang ang dalawang babaeng ito? Ating balikan ang ilan sa mga tagpo sa ikawalong linggo ng primetime te
lefantasya na gabi-gabi
nating inaabangan.

Para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina ni Mikay, hinanap ni Ada si Tigas, ang nakasaksak kay Aling Tetay. Pinuntahan nina Ada, Migo at Mikay ang lugar na pinagtataguan nito. Nang makita ni Ada si Tigas ay agad niya itong hinabol, sabay buka ng kanyang mga pakpak. Hindi niya nahabol si Tigas, ngunit papunta rin pala sina Mikay at Migo sa direksyon niya. Wala nang magawa si Ada kaya pinili na lang niyang ipakita ang kanyang mga pakpak sa kanyang best friend.

Hindi makapaniwala si Mikay sa kanyang nakita. Ipinaliwanag ni Ada sa kanya ang lahat ngunit lalong nagalit si Mikay sa kanya dahil hindi man lang nito nailigtas ang kanyang nanay. Umuwi si Ada na malungkot dahil mas pinili ni Mikay na layuan muna siya.

Hindi nagtagal ay nahuli rin niya si Tigas, at dinala niya ito sa presinto. Nagkabati na rin sila ni Mikay pagkatapos niya itong balitaan ng nangyari, at manghang-mangha naman ito sa kanyang mga kuwento.

Pagkatapos malaman na muling nagpapakita ang babaeng ibon, mas naging pursigido si Migo na makilala siya. Humingi siya ng tulong kay Ada para muling makita si Angel, ngunit hindi siya pinagbigyan nito.

Nakaisip ng plano si Migo para puntahan siya ni Angel - umakyat siya ng puno at at nagkunwaring tatalon. Nang hindi pa rin siya sinipot ni Angel, bumaba na siya mula sa puno ngunit nadulas siya at bigla naman siyang nasalo ng babaeng ibon. Sa sobrang tuwa ni Migo na sa wakas ay nagpakita na si Angel sa kanya ay nahalikan niya ito, na siya namang ikinainis ni Ada. Sinampal niya ang binata at lumipad palayo sa park.

Samantala, na-trap naman si Janelle at ang isa pang empleyado sa warehouse ng sporting goods store ni Migo. Tinulungan silang makaligtas  ni Ada ngunit siya naman ang nalagay sa peligro nang madaganan siya ng debris. Buti na lamang at dumating si Lupe, at nang malaman na nasa loob si Ada ay pumasok din siya at iniligtas ang anak.

Kalaunan ay nalaman ni Migo na nasa loob din pala ng warehouse si Ada nang masunog ito, kaya dinalaw niya ito sa bahay. Nag-volunteer pa siya na mag-alaga kay Ada kasama sina Mikay at Bok.

Dumating ang pagkakataon na mag-isa si Migo sa pagbabantay kay Ada. Nahilo ang dalaga dahil sa gamot na ipinainom sa kanya ni Lupe kaya natumba siya at nawalan ng malay. Sakto namang nasalo siya ni Migo ngunit nagdikit ang kanilang mga labi. Nahalikan ni Ada si Migo nang hindi niya namalayan.

Pagkagising ni Ada, ikinuwento niya kay Bok na may napanagipan siyang lalaking humalik sa kanya. Si Migo naman, nakatulog sa biyahe papunta sa bahay ni Robin, at napanagipan naman niya na hinahalikan niya si Angel, na biglang naging si Ada.


Hanggang kailan maitatago ni Ada kay Migo na siya ang babaeng ibon? Lalakas na kaya ang kutob ni Migo na ang kanyang tinatawag na Angel ay si Ada rin?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na pangyayari sa Adarna, Mondays to Fridays pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com