TV

What you've missed from the 'Adarna' live chat


Napuno ng tawanan ang GMANetwork.com studio nang magsama-sama ang cast ng Adarna na sina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves para sa kanilang live chat last February 4. Naging special guest pa nila ang co-star na si Chynna Ortaleza na dumagdag sa kanilang kakulitan.

Para sa mga naka-miss ng sobrang nakakaaliw nilang live chat, narito ang ilan sa mga tanong na kanilang sinagot:

Q: Sino ang pinakamakulit na cast member ng show?
All: Si Chynna!

Q: Sino sa inyo ang dapat piliin ni Ada?
Benjamin: Dahil sa "my labs"
Mikael: Dahil mabubusog ka sa akin
Geoff: Dahil sa sasabihin ko in the next few days. Abangan niyo na lang.

Q: Kylie, anong qualities ang pinakagusto mo sa kanilang tatlo?
Kylie: Kay Mikael, 'yung hilig niya sa pagkain. Si Ben, laging may advice kapag kailangan ko. Si Geoff, pareho kami ng taste sa movies.

Q: Ano ang challenging sa character niyo?
Kylie, Mikael, Ben: Ang lumipad!
Geoff: Being true to my lines.

Q: May girlfriend po ba si Benjamin?
Chynna: Meron po! Meron po siyang girlfriend!
Ben: Wala, wala akong girlfriend! Naghahanap nga ako ng Valentines' date.

Q: Kylie, anong regalo ang gusto mo for Valentines?
Kylie: Mayroon na akong plano for Valentines.


Q: Sino ang may pinakamaraming bloopers?
Kylie: Ako!
Ben: Actually ang ginagawa namin ngayon kapag nakakatawa ang script, we make each other laugh sa eksena.
Geoff: We get a lot of this. We actually have a Word of the Day kapag nabubulol kami sa iisang word.

Q: Sino ang inyong mga showbiz crushes?
Mikael: Si Garuda (Michelle Madrigal)!
Geoff: Si uhm, yeah. Hahaha!
Kylie: Sa Hollywood na lang. Si Angelina Jolie.
Ben: Maghahanap na lang ako ng ibang question.

Q: Ano ang favorite qualities niyo sa isa't isa?
Ben: Si Mikael kasi extrovert kaya nababalanse kaming tatlo.
Mikael: Ang gusto ko dito kasi hindi lang ako ang bulol. Hindi ako nag-iisa (laughs)! May sasabihin ako, tapos si Geoff sasagot, bulol din. Yes!
Geoff: Everybody's very professional.


Q: What is your dream project?
Mikael: I'm living the dream.
Kylie: Ako, action teleserye na parang 'Wanted' or 'Nikita'.

Q: Ano ang mangyayari sa pag-iibigan nina Ada at Bok, Ada at Falco, at Ada at Migo?
Kylie: Ada at Bok, I'm going to be wearing a white dress. Ada at Falco, mag-aaway kami. Ada at Migo, true love.

Q: Ano ang similarities niyo ni Falco?
Mikael: Wala hahaha!
Kylie: Bagay ang blue sa kanilang dalawa.
Mikael: Oo, mas gusto ko ang blue feather.

Q: Kumakain ba ng fried chicken ang mga taong ibon?
All: Of course, we eat fried chicken on the set!

Q: What makes Ada girlfriend material?
Ben: She can fly.
Kylie: Kung traffic, ililipad na lang kita. At kung may sakit ka, pagagalingin kita.


Abangan ang exclusive gallery at webisode ng live chat na ito, soon on GMANetwork.com.