
"Ang ganda, para kang nanonood ng pelikula!"
Isa ito sa mga komento ng mga nanood sa pilot episode Agimat ng Agila, ang pinakabagong fantasy-action-romance-family drama-adventure series ng GMA Network, na pinagbibidahan ni Bong Revilla.
Nagsimula na ang istorya ng Agimat ng Agila noong Sabado, May 1, kung saan pinakilala si Gabriel, at ang kinabibilangan niyang Task Force Kalikasan.
Habang hinahabol ang mga illegal na nagtotroso, nakakita siya ng isang agila na tinamaan ng baril.
Inuwi ni Gabriel ang agila para ipakita sa kanyang asawang si Myrna (Sheryl Cruz), isang veterinarian.
Habang ginagamot ni Myrna ang agila, hindi nila namalayang may nalaglag na balahibo na mahiwagang nawala.
Ang hindi alam ng pamilya ni Gabriel ay enchanted ang agilang iniligtas nila.
Naging matagumpay naman ang operasyon ni Gabriel at ng kanyang kasamahan na si Gerry (Allen Dizon) ng valor award.
Dito, nakilala niya ang businessman na si Alejandro (Roi Vinzon) na nagbigay ng payo sa kanya tungkol sa kanyang trabahong ginagawa.
Sa Twitter, marami ang nasabik sa pagbabalik-telebisyon ni Bong.
Bukod rito, pinuri din ng iba ang magandang cinematography ng palabas at inihalintulad ito sa mga pelikulang pinapalabas sa mga sinehan.
Tingnan ang naging reaksyon ng mga tao:
#AgimatNgAgila
-- LEO CALINOG (@CalinogLeo) May 1, 2021
Ang ganda para kang naonood ng pelikula. The cinematography is lit!😍😍
iba parin talaga ang nag iisang Agimat Sen: @BongRevillaJr👏nakakatuwa na muling makita mag samasama sa tv ang mga batikang artista kagaya nila @RoiVinson @ElizabethOrpeza☺️ #AgimatNgAgila napaka ganda👏😍 salamat @gmanetwork mas maganda sana abangan to gabi gabi sa primetime pic.twitter.com/bklkO4CxqP
-- anneproudwaraynon (@anneproudwaray1) May 1, 2021
Ang ganda ng agimat ng agila do lang pang tv pang movie pa ang dating an good job po mr senator bong R.
-- Ms jopay jopz (@furio_jopay) May 1, 2021
Astig ng unang episode. Pang world class ang visuls effects. Susubukan kong subaybayan ito tuwing sabado. :D#AgimatNgAgila https://t.co/JXGy6xuc3e
-- pDpL4b4N l0Y4l1sT 👊👊 (@04wodahs) May 1, 2021
Abangan naman sa susunod na sabado AGIMAT NG AGILA ❤️@gmanetwork @ArtistCenter
-- Jecile Nebato (@jecile22) May 1, 2021
Mapanonood ang unang episode ng Agimat ng Agila sa video sa itaas. Kung hindi nagpe-play ang video, pumunta DITO.
Tutukan lang ang paganda na paganda na istorya ng Agimat ng Agila tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Agimat ng Agila sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.